Odd-even scheme sa mga sasakyan ikakasa sa EDSA rebuild
METRO MANILA, Philippines — Ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang odd-even number scheme para mabawasan pa ang bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa EDSA.
Simula sa ika-16 ng Hunyo, hindi maaring bumiyahe sa kahabaan ang EDSA ang mga sasakyan na ang dulong numero sa kanilang plaka ay 1,3,5,7, at 9 tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Samantala, sa mga araw naman ng Martes, Huwebes, at Sabado ay bawal sa EDSA ang mga sasakyan na ang dulong numero sa kanilang plaka ay 0, 2, 4, 6, at 8.
BASAHIN: Ipatupad work from home halip na lagyan ng toll ang EDSA – Villanueva
Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na 24 oras na ipapatupad ang odd-even scheme, ngunit pag-aaralan na magkaroon ng “window hours.”
Magiging libre naman aniya ang paggamit ng Skyway Stage 3 habang inaaayos ang EDSA.
Ang mga provincial bus, truck, at iba pang malalaking sasakyan ay maaaring dumaan sa EDSA mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. ng umaga lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.