METRO MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Quezon ngayong tanghali ng Martes, ika-27 ng Mayo, ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa paunang impormasyon, nangyari ang pagyanig alas-12:17 ng tanghali at ang sentro nito ay sa General Nakar, Quezon sa lalim na anim na kilometro.
Naramdaman ang lindol hanggang sa Metro Manila.
Wala pang naitalang aftershocks ang Phivolcs at wala pa rin ulat ng pinsala.
MOST READ
LATEST STORIES