METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na kailangan ng trial period para sa No Contact Apprehension Program (NCAP).
Aniya ito ay upang maiwasan ang maaaring mga kapalpakan pa sa sistema.
Pinuna ni Ejercito na sa unang araw ng pagpapatupad ng NCAP noong nakaraang Lunes ang karaniwang naging paglabag ay pagsuway sa traffic signs at ilegal na pagdaan sa EDSA Busway.
BASAHIN: MMDA posibleng magbawas ng traffic enforcers dahil sa NCAP
Nangangahulugan, dagdag ng senador, na kailangan pa ng disiplina sa kalsada.
Sabi pa ni Ejercito na kung pagbibigyan ng mga ahensya ang kanyang hirit na trial period nararapat na samantalahin ito upang pagbutihin pa ang pagpapatupad ng NCAP.
“Kung makakatulong ang NCAP sa layuning ito ay suportado natin ito — gaya ng suporta natin sa iba pang hakbang na makakatulong sa pagsasaayos ng sistema ng trapiko sa Metro Manila at iba pang urban centers,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.