P200 minimum wage hike bill ng Kamara inihirit sa Senado
METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang mga kapwa senador na palusutin na ang ipinasang P200 pagtaas sa minimum daily wage.
Ngunit sinabi ni Zubiri n,a kung may gagawing pag-amyenda ang mga kapwa senador sa panukalang-batas, hinikayat niya ang mga ito ba bilisan ang diskusyon sa bicameral conference committee upang umabot bago ang pagsasara ng 19th Congress.
Si Zubiri ang naghain ng panukalang-batas sa Senado para naman sa P100 daily wage hike.
BASAHIN: P100 o P200 salary hike ibigay na sa mga manggagawa —Zubiri
“Kailangan talaga ng ating mga manggagawa ng tulong pinansyal. Hindi lang ayuda kasi nagta-trabaho sila – tulong pinansyal para sa kanilang mga pamilya at pangangailangan pang-araw araw,” aniya.
May tatlong araw na lamang sa susunod na linggo ang mga senador para talakayin ang panukalang-batas ukol sa taas-sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.