P200 minimum wage hike bill ng Kamara inihirit sa Senado

PHOTO: Juan Miguel Zubiri FOR STORY: P200 minimum wage hike bill ng Kamara inihirit sa Senado
Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri —File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang mga kapwa senador na palusutin na ang ipinasang P200 pagtaas sa minimum daily wage.

Ngunit sinabi ni Zubiri n,a kung may gagawing pag-amyenda ang mga kapwa senador sa panukalang-batas, hinikayat niya ang mga ito ba bilisan ang diskusyon sa bicameral conference committee upang umabot bago ang pagsasara ng 19th Congress.

Si Zubiri ang naghain ng panukalang-batas sa Senado para naman sa P100 daily wage hike.

BASAHIN: P100 o P200 salary hike ibigay na sa mga manggagawa —Zubiri

“Kailangan talaga ng ating mga manggagawa ng tulong pinansyal. Hindi lang ayuda kasi nagta-trabaho sila – tulong pinansyal para sa kanilang mga pamilya at pangangailangan pang-araw araw,” aniya.

May tatlong araw na lamang sa susunod na linggo ang mga senador para talakayin ang panukalang-batas ukol sa taas-sahod.

Read more...