Isara San Juanico Bridge kasi babagsak kapag minalas – Marcos
METRO MANILA, Philippines — Personal na sinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang San Juanico Bridge nitong Miyerkules.
“Sinabi ng mga engineer na isara natin ito dahil babagsak ito kapag minalas tayo,” sabi ni Marcos
Ayon pa sa kanya, may plano na para sa rehabilitasyon ng pamosong tulay na itinayo ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
BASAHIN: Integridad ng mga tinaguriang “longest and highest bridges” sa Eastern Visayas sinuri
Ibinahagi nito na naniniwala ang mga inhinyero ng gobyerno na napabayaan ang tulay dahil hindi nasunod ang maintenance works na dapat isinasagawa kada tatlong taon.
Idineklara ng pangulo ang state of calamity sa Eastern Visayas base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa lubhang delikado na ang sitwasyon. ng tulay na nag-uugnay sa Samar at Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.