Mas mababang 1.3% May inflation pinakamababa mula 2019 – PSA
METRO MANILA, Philippines — Mas bumagal noong nakaraang buwan ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula sa 1.4% noong Abril, bumaba sa 1.3% ang inflation noong Mayo at ito na ang pinakamababa simula noong Nobyembre 2019 kung kailan naitala ang 1.2% inflation
Noong Mayo 2024 ang naitalang inflation ay 3.9%
BASAHIN:
Ayon sa PSA ang mga pangunahing dahilan. ng bahagyang pagbababa pa ng inflation rate ay ang pagbagal sa pagtaas ng halaga ng tubig, kuryente at produktong petrolyo, gayundin sa mga iba pang gastusin sa bahay kasama na ang upa.
Walang pagbabago naman sa paggalaw ng mga presyo ng mga pagkain at nanatili ito sa 0.7%.
Noong Enero naitala ang 2.9% inflation, bumaba ito sa 2.1% noong Pebrero at 1.8% noong Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.