Odd-even scheme sa mga sasakyan ikakasa sa EDSA rebuild

PHOTO: EDSA traffic FOR STORY: Odd-even scheme sa mga sasakyan ikakasa sa EDSA rebuild
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang odd-even number scheme para mabawasan pa ang bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa EDSA.

Simula sa ika-16 ng Hunyo, hindi maaring bumiyahe sa kahabaan ang EDSA ang mga sasakyan na ang dulong numero sa kanilang plaka ay 1,3,5,7, at 9 tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Samantala, sa mga araw naman ng Martes, Huwebes, at Sabado ay bawal sa EDSA ang mga sasakyan na ang dulong numero sa kanilang plaka ay 0, 2, 4, 6, at 8.

BASAHIN: Ipatupad work from home halip na lagyan ng toll ang EDSA – Villanueva

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na 24 oras na ipapatupad ang odd-even scheme, ngunit pag-aaralan na magkaroon ng “window hours.”

Magiging libre naman aniya ang paggamit ng Skyway Stage 3 habang inaaayos ang EDSA.

Ang mga provincial bus, truck, at iba pang malalaking sasakyan ay maaaring dumaan sa EDSA mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. ng umaga lamang.

Read more...