Night construction sa EDSA rebuild plan hirit ni Tolentino

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: Night construction sa EDSA rebuild plan hirit ni Tolentino
Sen. Francis Tolentino —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na dapat ay by phases at sa gabi lamang ikasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang EDSA rebuild plan.

Ayon kay Tolentino, na dating namuno sa MMDA, ito ay upang mabawasan ang magiging abala sa mga motorista at negosyo.

Napakahalagang bahagi ng araw-araw na buhay ng milyong-milyong Filipino ang EDSA kayat napapanahon na rin ang rehabilitasyon ng pangunahing lansangan.

BASAHIN: EDSA Busway commuters prayoridad sa EDSA rebuild – DOTr

Idiniin ng senador na mahalaga na may maingat na pagpa-plano, at kailangan din aniyang maging sensitibo ang mga kinauukulang ahensya sa kapakanan ng mga motorista at pasahero ang pagsasa-ayos ng EDSA.

Pinuna pa niya na masasabay sa pagbubukas muli ng mga klase sa paaralan at panahon ng tag-ulan ang rehabilitasyon ng EDSA.

Inihirit ni Tolentino na maaaring hatiin sa limang bahagi ang pagsasa-ayos — EDSA – Pasay; EDSA – Makati-Guadalupe; EDSA – Ortigas; EDSA-Cubao; at EDSA Caloocan.

Dapat din aniya simulan ang mga gawain tuwing 10 p.m. hanggang 5 a.m. kinabukasan.

Read more...