8-hour duty ng mga pulis ipapatupad – PNP chief Torre
METRO MANILA, Philippines — Pursigido si Gen. Nicolas Torre III, ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), na ipatupad ang eight-hour duty sa mga pulis.
Ito ang nakitang tanging paraan ni Torre upang hindi na mag-duty ng hanggang 12 na oras ang mga pulis, na pangunahing dahilan kayat natutulog sila sa trabaho.
Kinatuwiran ng bagong hepe ng PNP, tao ang mga pulis at hindi makina.
BASAHIN: Umaresto kay Rodrigo Duterte pinili ni Marcos na bagong PNP chief
Idiniin ni Torre na ang pagta-trabaho ng mga pulis ng hanggang 72 oras sa isang linggo ay paglabag na sa Labor Code, na naglilimita sa 40 na oras ng trabaho sa isang linggo.
Dinagdag pa niya na, kapag sapat ang pahinga ng mga pulis, dekalidad ang serbisyo na kanilang maibibigay.
Nagbabala naman ito na isumbong sa kanya ang mga maaaktuhang pulis na natutulog sa otas ng duty at agad niyang aalisin sa serbisyo ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.