15% senior’s discount sa kuryente, tubig lusot sa Kamara

PHOTO: House of Representatives logo and plenary hall STORY: 15% senior's discount sa kuryente, tubig lusot sa Kamara
Stock photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Aprubado na sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng mga karagdagang pribilehiyo at benepisyo sa senior citizens.

May 177 na mambabatas ang pumabor sa House Bill No. 11400, na pinag-isang panukala ng 24 na magkakatulad na panukala na inihain ngayon 19th Congress.

Layon ng panukalang-batas na maamyendahan ang Republic Act No. 7432.

BASAHIN: Nasa 6,000 na senior nag-rally sa Senado para sa social pension bill

Kabilang sa mga madadagdag na benepisyo ay pagbibigay na rin ng 20% na diskuwento sa pagbili ng mga gamot, food supplements, at vitamins sa pamamagitan ng online platform.

Katulad na diskuwento din sa pasahe sa transport network services, sa pagdaan sa expressways, health professional fees, maging sa golf and country club membership fee.

Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng 15% na diskuwento sa buwanang bayad sa kuryente at tubig kung hindi hihigit sa 200 kiloWatt hours ang konsumo sa kuryente at 50 cubic meters naman sa tubig.

Nasa panukalang batas din ang pagbibigay ng 8.5% special discount sa pagbili ng mga pangunahing bilihin.

Read more...